Ed Jones Timothy Cauilan
Ang buhay sa Europa noong Gitnang Panahon ay mailalarawan bilang puno ng salungatan sa pagitan ng magkaiba-ibang paniniwala at kultura. Nakabuo ng mga bagong ideya o imbensyon para mas mapaunlad ang pamayanan. Ito ang mga nagdulot ng malaking impluwensiya sa atin hanggang ngayon:
1. Matatag at mabisang Organisasyon ng Simbahan - mula sa mga karaniwang tao lamang ang mga pinuno, ngayon ay may mga pari at hirarkiya. Iba't- iba man ang mga relihiyon ngayon pero mas nanaig pa rin ang mga Katoliko at pumupunta sa simbahan para magpasalamat at magdasal.
2. Pagtatag ng Piyudalismo - sistemang politikal at militar sa kanlurang Europa noong Gitnang Panahon, sa panahong ito, nanaig ang kaguluhan; nangailangan ng proteksiyon ang tao. Ang mga lokal ng pamahalaan na ngayon ay pinapatakbo ng mga maharlika katulad ng mga konde at duke. Sa ngayon, may mga militar tayo na tagapagtanggol at handang ipaglaban ang ating bansa kung sino man ang gustong sumakop nito. Tumutulong sa mga sakuna at handang tumulong para sa kaayusan ng isang lugar o lipunan.
3. Pagsasaka: Batayan ng Sistemang Manor - setro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao na nakatira dito. Ito ay maaaring maihalintulad sa isang pamayanan kung saan ang mga naninirahan dito ay umaasa ng kanilang ikabubuhay sa pagsasaka sa manor. Pagsasaka rin ang ikinabubuhay ng iba nating kababayan. Ang pammumuhay ng bawat isa sa lipunan at nakadepende sa kanilang lugar. Tulad ng mga magsasaka at mangingisda.
4. Ang paglakas ng kalakalan ay naging malaking tulong sa paglago ng mga bayan. Nagkaroon ng pagbabago sa agrikultura sa pagkakaroon ng mga bagong teknolohiya. Napapadali ang mga bagay at mga transaksyon sa isang lugar dahil sa mga bagong teknolohiya. Mas napapabilis ang trabaho dahil sa mga bagong kagamitan na nadisdiskubre.
Comments
Post a Comment