Milanyume Negishi

Mga Kontribusyon ng Gitnang Panahon ng Europa

Marami rin tayong napamana at nakuha mula sa Gitnang Panahon ng Europa, narito ang ilan sa mga halimbawa nito: 

1. Relihiyon/Katolikong Simbahan - Ang Kristyanismo ay may mahalagang epekto rin noong panahon ng medieval dahil ang simbahang katoliko ay ang pinakamakapangyarihang institusyon at impluewensya noon at hanggang ngayon.  

2. Literature and Art/Panitikan at Sining - Ang mga sining noon ay madalas na binubuo ng mga relihiyosong elemento at iba't ibang pamamamaraan tulad ng pagpipinta, eskultura, at marami pang iba. Ngunit, parehas rin ang paksa pagdating sa Panitikan. Sa Panitikan ang madalas na sinusulatan ay tungkol rin sa relihiyon, edukasyon, pagibig, at marami pang iba.

3. Mga Imbensyon - Marami rin mga gamit na naimbento noon na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin natin. Ang halimbawa naman nito ay ang mga salamin, kumpas, windmills, watermills, at marami pang iba.

Mahalaga ang kanilang mga kontribusyon dahil ito ay may malaking epekto sa ating pamumuhay at hanggang ngayon ay ginagamit parin natin ito. 

Mapapahalaga natin ito sa pamamagitan ng paggagamit, pangangalaga at pag-aaral natin rito.

Comments

Popular posts from this blog

Ano ang Gitnang Panahon?

Ed Jones Timothy Cauilan

Jersey Magaribuchi